Precious Hearts Romances - The Substitute Bride (Part 2)


Inalok ni Brent ng kasal si Wilda. At para sa dalaga, it was an offer of a lifetime. She was in love with his rich and gorgeous boss. Subalit lahat ng binanggit na dahilan ni Brent kung bakit sila pakakasal ay pawang hindi pundasyon sa pagsisimula ng pag-aasawa maliban sa iisang bagay---their sexual attraction for each other.

Pero sapat ba ang sex upang maging matagumpay ang kanilang pagsasama? At paano kung sa araw-araw ng buhay nila'y naroroon si Candra na handang bawiin ang dating kanya? Makakatagal ba ang mabuway nilang relasyon?

Precious Hearts Romances - The Substitute Bride (Part 1)


Brent Guttierez was out of her league. Rich and gorgeous. And he was his boss. Higit sa lahat, nakatakda itong pakasal sa isang childhood sweetheart, si Candra. Sa loob ng mahigit isang taong pagtatrabaho ni Wilda rito ay lihim niyang itinatangi ang lalaki. Held and kissed him only in her dreams.

Isang linggong mahigit bago ang kasal nito'y umalis si Candra. Leaving a note to postpone the wedding for at least a week. Walang balak i-postpone ni Brent ang kasal nito. And he needed a substitute bride upang pasakitan si Candra.
At available si Wilda. Tatanggihan ba niya ang katuparan ng kanyang panaginip.

Precious Hearts Romances - First Time I Saw You


Magpapakasal sila ni Kier. At hindi na siguro masama kung patiuna niyang ipagkakaloob ang sarili dito. Sa araw na handa na niyang gawin ang nasa isip, Blanca witnessed his betrayal. Ang sunod niyang nalaman, she was married to kier's elder brother, si Benedict. Si Benedict na sa pagkakakuwento ni Kier ay walang babaeng tumagal.

Precious Hearts Romances - You're Mine, Only Mine


Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama bago ito namatay sa pagkakautang nito sa mga Moravilla. At pagkalipas ng tatlong taon ay dumating si Alex Moravilla upang singilin ang pagkakautang na iyon.

Ang pagpapakasal niya kay Alex ang kabayaran. Hindi siya papayag anuman ang mangyari. Kung katawan niya ang kailangan ni Alex ay ibibigay niya huwag lamang makulong ng habang-buhay sa piling nito.

Precious Hearts Romances - Ganoon Kita Kamahal


Labing anim na taon si Judy nang ipagtabuyan siya ng ina at ng stepbrother sa Hacienda Esmeralda pabalik ng Maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Makalipas ang anim na taon ay dumating muli sa buhay niya si Jose Luis Esmeralda, ang panganay
na anak ng lalaking muling pinakasalan ng ina niya. Pinilit siya nitong iuwi ng Hacienda Esmeralda dahil sa isang trahedyang kinasangkutan ng ina. Para dito ay isa siyang masamang babae. Iyon ang pagkakilala ni Jose Luis sa kanya kahit noong panahonng siya'y dalagita pa lamang.

Pero bakit nais nitong pakasalan siya sa kabila ng pagkakaalam niyang kinasusuklaman siya nito?

Precious Hearts Romances - Leia, My Love


Dala ng pinansiyal na pangangailangan ay umuwi sa probinsiya si Leia, upang manganib sa kamay ng isang rapist. Sa pagtakas ay natagpuan siya ng isang lalaki, walang malay sa gitna ng malakas na ulan.

Binihisan at pinagpala siya ng lalaki. At hindi pa siya halos nakababawi sa kalituhan at pagkapahiya ay ipinakilala siya ng estranghero sa ina at dating kasintahan nito bilang fiancee. At lalong nakagulo sa kanyang isip ang ibig mangyari ng lalaki: totohanin nila ang pagpapanggap!

Precious Hearts Romances - Be Still My Heart


"Shake the hands of a brand new fool." Ito ang sinabi ni Jenny sa sarili nang pumayag sa alok ni Anthony na maglive-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan siya pagka't ayaw nito ng commitment.

"Arrogant little witch," ang tawag ni Anthony kay Jenny, na housemaid lamang niya. At eh ano kung walang alam na trabaho ang dalaga? Who can resist a pretty maid na nahuli niyang naka-bikini sa swimming pool niya.

Precious Hearts Romances - Apoy Sa Malamig Na Puso


Si Allie, isang cold and socialite snob. Si Greg, rough at aroganteng farm owner. Hindi nila type ang isat-isa. Pero kailangan ni Allie ng asawa kundi ay mawawala ang banking empire ng pamilya. At si Greg nama'y nangangailangan ng malaking pera.

Pera niya kapalit ng pangalan ni Greg. Marriage for convenience sa loob lamang ng anim na buwan. Walang emotional involvement. Pero bakit nagagalit siya kay Karla, ang babaeng sana'y pakakasalan ni Greg?

Precious Hearts Romances - Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko


Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid.

Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?

Precious Hearts Romances - Mga Latay Ng Pag-ibig


Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero.Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga.

Hanggang kay Daniel... Ang kaisa-isang lalaking hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa sarili niyang latigo.